Sabado, Hunyo 15 2013
Ang mga "Men of Steal"
ANG MGA "MEN OF STEAL"
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
palabas sa puting tabing ngayon ang "Man of Steel"
na istorya ni Superman laban sa mapaniil
di na si Christopher Reeve ang di tamaan ng baril
pagkat Superman na ngayon ay isang Henry Cavill
ngunit sa labas ng puting tabing, pulos hilahil
sa bayan ko'y kayraming naglipanang "Men of Steal"
nasa matataas na posisyon, kunwari'y anghel
ngunit kaban ng bayan pala ang dinudukilkil
sila ang mga trapong banal ngunit mapaniil
karapatan nga ng maliliit ay sinusupil
para sa sariling interes, mahilig mangikil
asungot na kayraming tauhang pulos de-baril
pawang tiwali, buong bayan na ang sinisikil
nilang nasa pwestong sa pagseserbisyo'y inutil
dapat lang ibagsak na silang mga "Men of Steal"
silang ang puri't pagkatao'y santambak ng banil
Martes, Hunyo 11 2013
Atat na kami, manggagawa
ATAT NA KAMI, MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
tayo ba'y kaya naging manggagawa
ay para busugin lang ang iilan?
hindi ba't ang ating lakas-paggawa
ang ugat ng pag-unlad ng lipunan?
bakit tayong gumagawa ang dukha?
bakit iilan ang nakikinabang?
bakit tayong mayoryang nagpapawis
na siyang bumubuhay sa daigdig
yaong binubusabos, nagtitiis
tayong gumamit ng utak at bisig
nang umunlad ang lipunan ay tikis
manggagawa'y saan dapat sumandig?
ang mga minorya'y tatawa-tawa
tayo raw, walang karapatan dito
sila raw ang may-ari ng pabrika
may kontrol ng kalakal at gobyerno
tayo ba'y wala nang magagawa pa
upang baguhin ang sistemang ito?
tunggalian ng uri'y tumitindi
nakadudurog ng puso't isipan
at ngayon, atat na atat na kami
upang gapiin ang ating kalaban
ngayon pa lang ay atin nang iwaksi
itong kapitalismo ng iilan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
tayo ba'y kaya naging manggagawa
ay para busugin lang ang iilan?
hindi ba't ang ating lakas-paggawa
ang ugat ng pag-unlad ng lipunan?
bakit tayong gumagawa ang dukha?
bakit iilan ang nakikinabang?
bakit tayong mayoryang nagpapawis
na siyang bumubuhay sa daigdig
yaong binubusabos, nagtitiis
tayong gumamit ng utak at bisig
nang umunlad ang lipunan ay tikis
manggagawa'y saan dapat sumandig?
ang mga minorya'y tatawa-tawa
tayo raw, walang karapatan dito
sila raw ang may-ari ng pabrika
may kontrol ng kalakal at gobyerno
tayo ba'y wala nang magagawa pa
upang baguhin ang sistemang ito?
tunggalian ng uri'y tumitindi
nakadudurog ng puso't isipan
at ngayon, atat na atat na kami
upang gapiin ang ating kalaban
ngayon pa lang ay atin nang iwaksi
itong kapitalismo ng iilan
Lunes, Hunyo 10 2013
Sa paglayas ni Misis
SA PAGLAYAS NI MISIS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
pag nilayasan ni Misis, kayhirap
puso't diwa'y tunay na naghihirap
dapat bang
hanapin ko siyang muli
upang suyuin ng puso kong sawi
pagsinta'y nais ko muling malasap
hangad kong kami'y muling magkausap
kasama ng
pagkatao ko't puri
ang babaeng
iniibig kong sidhi
pagbabalik niya'y hihintayin ko
at muli sa kanya'y magsusumamo
alang-alang sa anak naming itoLinggo, Hunyo 09 2013
Sa problema'y asal-bumbero
SA PROBLEMA'Y
ASAL-BUMBERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
pag may sunog, darating ang bumbero
apoy ay papatayin niyang todo
munti mang
apoy, di pababayaan
pagkat
panganib pa rin sa tahanan
tulad ng problema ng ilang tao
kumikilos lang tulad ng bumbero
kikilos
lang pag problema'y nariyan
walang plano , problema'y
dumating man
alam na ngang sila'y idedemolis
di naghanda't nag-ayos ng papeles
huli na, sila na'y pinapaalis
Kanlungan ang tahanan
KANLUNGAN ANG TAHANAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
"itaboy natin ang nagdedemolis
magkaisa tayo bago matiris!"
dukha'y
marubdob sa usaping bahay
ipaglalaban
nila itong tunay
"sa tahanang ito tubo't nagtiis
di tayo dito dapat mapaalis!"
sa dukha,
usaping bahay ay buhay
naukit dito'y
saya nila't lumbay
bawat bahay ay ating pananggalang
laban sa bagyo, init, sakim, halang
sa demolisyon, di dapat pasagpang
Sabado, Hunyo 08 2013
Yosi o tibi?
YOSI O TIBI?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
"kaibigan ko, kaysarap magyosi"
habang tangan ang isang basong basi
ang tinuran
niya'y nakalulungkot
at ginantihan
ko siya ng sagot:
"iyan din ang lagi kong sinasabi
bago ako magkasakit ng tibi"
natameme
siya't tila nayamot
tunganga
lang, musika ma'y maharot
sa pagbuga'y binibilog ang usok
kaysaya pa sa nakasusulasok
ngunit di maitaboy yaong lamok
Maghinaw bago kumain
MAGHINAW BAGO KUMAIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
kung nais mong magsakol sa pagkain
maghinaw muna't sasarap ang kain
kayhirap
yaong kayrumi ng kamay
sakol ang kaning
isusubong tunay
may isang basong tubig kung mahirin
sa ulam na kamatis, tuyo't asin
pag
nabusog, ikaw'y mapapadighay
tumayo,
maglakad, huwag hihimlay
maiging maghinaw bago magsakol
upang sa mikrobyo'y di maulaol
hirap magkasakit, kahol ng kahol
Biyernes, Hunyo 07 2013
Masama ang labis
MASAMA ANG LABIS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
may kasabihang "labis ay masama"
kunin lang kung anong sapat at tama
huwag
tularan ang trapong gahaman
na ninong
ng mga katiwalian
sa gobyerno'y kayraming kuhila
sa dugo ng madla'y nagpapasasa
mga trapo'y
di man lang mahirinan
sagpang ng
sagpang, walang kabusugan
ang lalamunang puno'y nakapinid
masibang halos maputol ang litid
nakahihinga pa ba silang manhid
Sa pabrika'y sakal
SA PABRIKA'Y SAKAL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
"magtrabaho kayo ng magtrabaho
at tataasan ko ang inyong sweldo
pabrikang
ito'y paunlarin natin
hahatian
kayo sa tutubuin"
maganda ang panukala ng amo
dahil doon, nagpakasipag ako
ngunit may
kasunod ang kanyang bilin
pagsapi sa
unyon ay huwag gawin
patuloy ang obrerong nagpapagal
pag nasa loob ng pabrika'y sakal
kalabaw kang di dapat umatungal
Huwebes, Hunyo 06 2013
Himagsik ng hukluban
HIMAGSIK NG HUKLUBAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
nais ng matatandang maghimagsik
sa panghihina ng katawang siksik
"Puntanyo
ng Kabataan" ang hanap
baka sa
pagkabata'y makasagap
nais nilang sariwa'y makatalik
sa pagkabasal ay namumutiktik
ngunit sagi
lang iyan sa hinagap
gayong sa
tunay, puso'y nasa hirap
di na magbabalik ang kabataan
ito'y diyalektika ng katawan
na dapat tanggapin ng kalooban
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
